Kasama ang aktor na si Baron Geisler, ginampanan ng batang aktres mula sa Antipolo, Rizal na si Althea Ruedas ang kaniyang karakter bilang anak ng aktor sa kasalukuyang Top Netflix Film na Doll House.
Sa direksyon ni Direk Marla Ancheta, gumanap ang batang Rizalenyo bilang si Yumi, na isang anak na nalayo sa kaniyang ama na si Rustin na ginagampanan naman ni Baron.

Bahagi ng pelikula ang madamdaming pagtatagpo ng mag-ama sa Rotterdam, Netherlands.
Kaugnay nito, proud naman at nakasuporta si Gov. Nina Ynares sa batang aktres na taga-Rizal, na siyang anak ni Gng. Jeni Espiritu, na isa rin umano sa mga katrabaho nila sa Kapitolyo.
“Kung mag ne-Netflix and chicha po tayo with friends or family, sana po, una ang Doll House sa ating watchlist. Let’s support our own!” ayon sa post ng gobernadora.

Samantala, ilang araw bago ito maipalabas sa Netflix, nangunguna na ang kanilang pelikula sa Top Movies sa bansa sa kasalukuyan.
“We did it Yumi!! Di ka man pumasa sa audition, pumasa naman tayo sa puso ng mga kababayan natin worldwide. Maraming salamat po sa inyong lahat at dahil po sainyo ay nag #1 po kami sa Netflix at nag trending pa ang #DOLLHOUSE
To God be the glory, honor and praise!!
We love you at #1 po kayo sa puso namin.
from Tito Clyde and Yumi.” ayon sa post ng aktor na si Baron.
Source: Nina Ynares; Baron Geisler/FACEBOOK
Photos from Baron Geisler (Facebook)
#GoPhilippines #GoRizal #Antipolo