
Isinapubliko na ang kauna-unhaang integrated flight ng German company na Volocopter sa electric air taxi nito kung saan isinagawa ang test flight ng drone taxi sa Cormeilles-en-Vexin sa France.
Ang naturang sasakyan ay isang electrical air taxi at tila higanteng drone na binubuo ng walong elisi.
Sa isinagawang test flight, tanging ang driver at isang pasahero lang ang mga sakay dito kung saan hanggang sa 20 kilometro ang layong puwedeng liparin ng drone taxi.
Ayon sa kumpanya, target nilang magkaroon ng mga ruta para sa mga ito sa 2024, kasabay ng pag-host ng Paris sa Summer Olympics.
Source: GMA News; News5
#GoPhilippines