HomeNewsNationalMga Testimonya sa Percy Lapid Slay Case

Mga Testimonya sa Percy Lapid Slay Case

Isa sa mga pinag-uusapan ngayon ay ang naging pagkakadawit ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Gerald Bantag at ilang mga personalidad sa naging pagpatay sa beteranong broadcaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid.

Sa naging pagsuko ng self-confessed gunman na si Joel Escorial noong Oktubre 17, 2022, ibinahagi niya kung papaano umanong pinlano at isinagawa ang pagpatay kay Mabasa.

Chronology of Events based on Joel Escorial testimonies.

Narito ang kabuuang testimonya ni Escorial ukol sa insidente:

Tanong: Noong natapos na yung trabaho kay PERCY LAPID, ano ang mga sumunod na nangyari?

Sagot: Noong October 17, 2022, tinawagan ako ni Denver Mayores na ipaalam kay Galicia na may nagvoluntary surrender na kasama sa pumatay kay PERCY LAPID. Sabi niya na kausapin ko daw si Galicia.

Kaya tinawagan ko si Galicia at ipinaalam ko sakanya yung mga sinabi ni Denver Mayores. Sabi niya sige daw, kasi hindi naman daw kilala ng sumurrender si DSO Ricardo Zulueta.

Tanong: Matapos kayong mag-usap ni Galciia noong October 17, 2022, ano naman ang sumunod na nangyari?

Sagot:  Kinabukasan, October 18, 2022, noong nakita na si JOEL ESCORIAL sa TV. Mga bandang alas diyes ng umaga ay pinatawag at pinapunta ako sa overseer ni DSO Zulueta at sinabing may nag-surrender na sa PNP tungkol sa pagpatay kay PERCY LAPID at itinuturo ang tao ni Galicia.

Noong mga oras na iyon ay hindi ko alam ang pangalan nung tao ni Galicia. Sinabi sa akin ni DSO Zulueta na sabihin kay Galicia na nasa kaniya ang taong tinuturo at alam na niya ang gagawin niya.

Sabi pa niya na walang dapat lumutang na pangalan niya at pangalan ni Director Bantag, kung hindi kami daw ang unang mapapahamak.

Tanong: Ano naman ang ginawa mo?

Sagot: Pinasundo ko si Galicia sa brigada niya at nag-usap kami sa Quadrant 2. Sinabi ko sakaniya yung sinabi ni DSO Zulueta na nasa kaniya yung tinuturo ng sumuko sa pagpatay kay PERCY LAPID.

Sinabi ko din na sabi ni DSO Zulueta na dapat ay walang lumutang na pangalan ni DSO Zulueta at Director Bantag.

Sabi niya babalik na siya sa brigada niya at siya na ang bahala.

Tanong: Ano ang sumunod mong ginawang hakbang?

Sagot: Umaga po ng October 18, 2022 ay pinatawag ko po ang isa sa aking mga Mayor na si MARIO ALVAREZ @May-May at pinahanap ko siya ng tao na pwedeng tumapos kay VILLAMOR.

Hindi tumagal ay pinasabi niya sa akin na may nahanap na siya. Doon ay sinabi ko na rin sa taong nagdala ng mensahe na ituloy na ang trabaho at ipapatay na si VILLAMOR.

Tanong: Sino ang kumatok sa pintuan mo?

Sagot: Si Jurpo na Assistant Commander namin sa Pangkat ng Sputnik. Hindi ko lang po alam kung ano ang kumpletong pangalan niya.

Tanong: Ano naman ang pinapatrabaho sa-iyo ni JURPO noong ikaw ay lumabas sa kubol mo pagkatapos niya kumatok sa iyong pintuan?

Sagot: Sabi ni JURPO noong lumabas ako sa kubol ko:

            Mayor si Jun Villamor, pinapatrabaho.

Tapos sabi ko:

            Bakit?

Sabi niya:

            Order sa taas

Kaya tanong ko sakanya:

            Teka, saan ba galling ang order na yan?

Sagot naman niya:

            Order sa opisina iyan.

Tapos tinanong ko ulit siya:

            Alam ba ito ni Commander Aldrin?

Sagot naman niya:            

            Oo

Tanong: Anong sumunod na ginawa mo pagkatapos ka utusan ni JURPO na brigada na ninyo patayin si JUN VILLAMOR, kung mayroon man?

Sagot: Kumuha ako ng 5 tao galing sa brigade namin sa Dorm 3-B at kinausap ko sila na sila na lang ang trumabaho kay JUN VILLAMOR

Tanong: Ano ang ginawa niyo noong mga sandaling lima na lang kayo sa taas?

Sagot: Pumasok po kami nina LUPIN, PUPPET, BAROK, at ako (JOKON), sa bukas na pintuan na kubol ni JUN.

Tapos nagtanong si JUN:

            Huwag niyo naman akong patayin. Papatayin niyo na ba ako?

Malumanay lang po ang boses niya.

Sumagot po si BAROK at si PUPPET, sabi nilang dalawa:

            Kalma mo lang sarili mo kosa.

Tapos lumabas muna kami ng kubol niya iniwan siya ng ilang minuto tsaka namin siya binalikan.

Tanong:  Habang kayo ay lumabas bahagya sa kubol ni JUN, ano ang ginawa mo kung meron man?

Sagot: Nag-usap po kaming apat kung paano namin papatayin si JUN.

So bale napagkasunduan na si LUPIN ang hahawak sa kamay, si PUPPET at si BAROK sa paa at ako ang magsusupot sa ulo.

Kaya naghanap ako ng plastic na matibay-tibay sa mga nakatambak na gamit. Nakakita naman po ako ng plastic na matibay na karaniwang ginagamit sa lagayan ng gulay, parang 50 kilos na sako ang laki, at transparent siya.

Tanong: Pagkatapos mong makahanap ng plastic na gagamitin sa pagsupot kay JUN, ano ang sumunod na nangyari kung meron man?

Sagot: Pagkalipas po ng humigit-kumulang limang minuto, bumalik na po kaming apat sa loob ng kubol ni JUN.

Pagpasok naming 4 ay humarap si JUN habang nakaupo sa higaan niya. Paglapit namin sa kanya ay hindi na siya gumalaw na parang binigay na niya ang sarili niya.

Unang humawak kay JUN ay si LUPIN, hinawakan ni LUPIN ang magkabilang balikat ni JUN at tinulak pahiga. So pagkahiga kay JUN ay nasa ibabaw niya si LUPIN na nakadagan sa kanya.

Tapos si PUPPET at si BAROK naman ay hinawakan ang magkabilang paa ni JUN. So bale si PUPPET ang sa kanang paa ni JUN at sa kaliwa naman si BAROK.

Habang nakadagan si LUPIN sa kanya at nakahawak sa paa si PUPPET at si BAROK, napansin ko na nahihirapan siya sa paghinga dahil nakadagan si LUPIN sa dibdib niya.

Hindi naman siya nagsalita o sumigaw, na parang tanggap na ang gagawin sa kanya.

Habang hinahawakan ng 3 si JUN ay tinupi ko ang malaking plastic ng pahaba at may lapad na isang dangkal, tsaka ko hinawakan sa magkabila at idiniin ko sa mukha niya para matakpan ang ilong at bunganga at para hindi siya makahinga.

Chronology of Events based on Joel Escorial testimonies.

Tanong: Pagkatapos mong makahanap ng plastic na gagamitin sa pagsupot kay JUN, ano ang sumunod na nangyari kung meron man?

Sagot: Medyo matagal po kasi gumagalaw po ang ulo ni JUN. Hindi ko na alam kung gaano katagal dahil blanko na po ako at iniisip ko lang na sana matapos na agad.

First time ko din po kasing susupot ng tao.

Noong nakita ni LUPIN na parang nangangawit na ako, snabihan ako ni LUPIN na:

            HINDI GANYAN, IPASOK MO ANG ULO SA PLASTIC

Kaya tinaggal ko ang pagkakadiin ko ng plastic sa mukha ni JUN. Pagkatanggal ko ay naghabol ng hininga si JUN habang nakatitig sa akin.

Hindi parin siya sumisigaw o nag-iingay.

Tapos noong pinasok ko na sa ulo niya ang plastic at hinigpitan ko ang hawak ay doon na siya mabilis nawalan ng hininga.

Pagkatapos po ng mahaba at huling hininga niya ay doon na siya nadumi. Naamoy po naming na dumumi siya.

Doon na kami bumitaw sa kanya. Kinuha ko ang plastic ay tinapon ko sa basurahan sa baba.

Tanong: Matapos niyong mapag-usapan na susuputin niyo si Jun Villamor, ano naman ang sumunod na nagyari?

Sagot: Pumasok na kaming apat sa kuwarto ni JUN. Inabutan na naming siyang nakahiga sa sofa bed niya.

Ang puwesto niya ay yung ulo niya ay nasa malapit sa pinto. Hinawakan sa kanang kamay ni Lupin si Jun, si Barok naman ang may hawak sa kaliwang kamay, at ako naman sa paanan sa alulod niya.

Tapos si Jocon ang sumupot kay Jun. Bago naming siya hinawakan at suputin, hindi na siya nagsalita, hindi na rin naming siya kinausap, hindi na rin siya pumalag.

Hindi na rin siya gumalaw. Kahit anong parte ng katawan niya ay hindi na niya ginalaw. Parang alam mo tanggap na niya sa sarili niya na mamamatay na siya kaya hindi na siya pumalag.

RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Most Popular

Recent Comments