Nasawi ang 24-taong gulang na lalaki sa Taysan, Batangas matapos aksidenteng mabaril ang kanyang sarili.
Sa ulat ng GMA News, inihayag ng kamag-anak ng biktima na lasing umano ito at wala silang ideya kung saan nagmula at kung sino ang may-ari ng baril na nagamit ng kinilalang biktima na si Marlon Hobias.
Sa kasalukuyan, nananatiling palaisipan sa awtoridad ang pagkakakilanlan ng may-ari ng baril na kumitil sa buhay ni Hobias, na naiulat na kamakailang nagdiriwang ng kanyang kaarawan noong Enero 18.
Source: GMA News
Photo from RMN Networks
#GoPhilippines #GoBatangas #Taysan