Nagdiriwang ngayon ang pamilya Ramirez ng Dumaguete City matapos na maging number 1 topnotcher ang kanilang bunso sa katatapos lamang na Nurse Licensure Examination nitong Nobyembre.
Topnotcher si Abigail Ramirez ng St. Paul University Dumaguete (SPUD)na nakakuha ng rating na 90 percent.
Kwento niya, inspirasyon niya ang kanyang kuya na si Alec Benjamin na No. 1 passer rin sa Geologist Licensure Examination noong Nobyembre 2017.
“I made him as my role model. I wanted to be like him, so talagang sumikap ako in my own way. Inspirasyon ko rin naman iyong ibang mga kapatid ko, pero dahil kami yung mas magkakalapit ng edad, siya ang mas nakita kong motivation,” kwento ni Abigail.
Nagtapos bilang magna cum laude ngayong taon si Abigail sa SPUD, habang kasalukuyan namang nagtuturo ang kanyang kuya sa National Institute of Geological Sciences (NIGS) ng University of the Philippines (UP) Dilliman.
Ayon kay Abigail, naging malaking tulong sa kanyang paghahanda sa nursing board exam ang pagdarasal, “Non-negotiable po talaga ang prayer. So even after the examinations, while waiting, we still continued to pray as a group via Discord.”
Plano raw umano ngayon ni Abigail na magturo sa SPUD bilang clinical instructor bilang pagtatanaw ng utang-na-loob sa kanyang alma mater.
Ang payo naman ni Abigail sa mga kukuha ng naturang pagsusulit, “Nursing is really a hard profession. It may break you a couple of times. But just the process, trust the hardships that you are going to face, because these will help you become stronger.”
“Have faith in God and trust in God. Offer everything to Him. Whenever you’re down, whenever you feel like giving up, just pray. God will answer all your prayers in one way or another,” dagdag nito.
Congratulations, Abigail!
Source: ABS-CBN News
#GoPhilippines