Home News International Higit 150 katao, patay sa Halloween party sa Seoul, South Korea

Higit 150 katao, patay sa Halloween party sa Seoul, South Korea

0
628

Ang masaya sanang halloween party sa Seoul, South Korea, nauwi sa trahedya nitong Sabado ng gabi kung saan karamihan sa mga nasawi ay mga teenager, at nasa kanilang 20s.

Ayon sa pinuno ng Yongsan Fire Station na si Choi Sung-beom, tinatayang nasa 151 katao, kabilang ang 19 foreigners, ang namatay dahil sa isang crowd crush sa Itaewon District.

Dagdag nito, mahigit 80 indibidwal ang nasugatan, habang 19 sa kanila ang nasa kritikal na kondisyon at kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Ayon pa kay Choi, pinangangambahan ding tumaas pa ang death toll, aniya.

“A number of people fell during a Halloween festival, and we have a large number of casualties. Many of those killed were near a nightclub,” sabi ni Choi.

Batay sa ulat ng mga awtoridad, nagsimula ang insidente nang magsiksikan ang maraming tao sa isang eskinita habang ipinagdiriwang nila ang Halloween.

Ngunit bago pa mangyari ang crowd crush, ayon sa ilang saksi na nagkakagulo na ang mga tao. Binaggit din nila na 10x na mas marami ang dumagsa sa Itaewon District.

Ito ang unang Halloween event sa Itaewon sa loob ng tatlong taon kung saan nagluwag na ang COVID-19 restrictions.

Source: GMA News; Balitambayan

#GoPhilippines

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here