HomeNewsGuro, Patay Matapos Tangkaing Gahasain sa Mismong ‘Teachers Day’

Guro, Patay Matapos Tangkaing Gahasain sa Mismong ‘Teachers Day’

Sa araw na dapat ipinagdiriwang ang kaniyang propesyon, karumal-dumal ang sinapit ng isang 24-anyos na guro matapos siyang paghahatawin ng matigas na bagay nang manlaban umano ito habang tinatangkang gahasain ng isang lalaki sa kaniyang inuupahang kuwarto.

Duguan at basag ang ulo nang matagpuan ang biktimang si Jessica Belches Mangubat, 24-anyos, nang matagpuan ito ng kaniyang kapwa guro sa Sitio Bodega, Brgy. Pasig sa Claveria, Masbate.

Kaagad namang naaresto sa sa ginawang operasyon ng pulisya ang suspek na kinilalang si Alvin Errero Yanzon, 30-anyos, construction worker at residente ng Purok-2, Brgy. Pasig sa naturang bayan.

Batay sa ulat ng mga awtoridad, dakong alas-10 ng umaga, pinasyalan ng kanyang kapwa guro na si Marlon Basangan Rom ang biktima pero nagulat siya nang makitang patay at duguan na ang biktima sa loob ng inuupahang kuwarto nito.

Isang duguang puting t-shirt at 14 inches  na “wooden axe handle” na may dugo ang natagpuan sa pinangyarihan.

Pinaniniwalaang sinubukan gahasain ng biktima ang guro pero nang pumalag ay pinaghahataw ng maso sa ulo na sanhi ng kanyang karumal-dumal na pagkamatay.

Source: Pilipino Star Ngayon

Photo: RMN Networks

#GoPhilippines

RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Most Popular

Recent Comments