Wagi ng gintong medalya ang 66-anyos na Filipino chess player na si lolo Jose Efren Bagamasbad sa nagdaang Asian Senior Chess Championships 2022 sa New Zealand.
Ang naturang kompetisyon ay ginanap sa Auckland Rose Park Hotel sa Auckland, New Zealand noong October 14-22, 2022.
Nakapagtala si Efron ng 7.5/9 points sa Over 65 category, dahilan upang masungkit niya ang unang pwesto.

Sa kometisyon, nakapagtala siya ng anim (6) na panalo, at tatlong (3) tabla.
Siya na ngayon ang pinakabagong International Master ng Pilipinas, kung siya ay Tubong Talisay, Camarines Norte.
Dalawang araw rin siyang nagbiyahe para lang sumalang sa kumpetisyon.
“Talagang kulang na kulang ang tulog ko during that time… Wala akong maisip. Parang salag lang ako nang salag sa mga ibinabatong atake ng kalaban ko,” kwento ni Lolo Efren.
Dagdag ni lolo, noong 2021 pa niya gustong lumahok sa mga chess tournaments, pero ipinagpaliban niya dahil sa pandemya.
Sa panayam sa kanya ng GMA News kamakailan, sinabi niyang, “Ang panalo ay wala sa edad, nasa tira iyan. Kung kailangan mo ng magandang tira, kailangan mo ng training.
“Yung training, hindi iyan magde-depend sa coach, hindi iyan magde-depend sa teacher. Nasa player iyan.”
Dagdag ni Efren, target naman niya ngayon na makuha ang Grandmaster title.
Source: Pep PH
#GoPhilippines