HomeNewsLocal1-taong-gulang na bata, patay matapos aksidenteng maputukan ng nahulog na baril ng...

1-taong-gulang na bata, patay matapos aksidenteng maputukan ng nahulog na baril ng kaniyang pulis na ama

Nasawi ang isang-taong-gulang na lalaki nang aksidente itong maputukan matapos malaglag ang baril ng kaniyang amang pulis sa Nueva Ecija.

Sa ulat ng GMA News, sinabing nangyari ang trahediya sa mismong bahay ng pamilya sa Barangay Palestina sa San Jose City ng nasabing lalawigan.

Ayon sa mga awtoridad, galing sa trabaho ang amang pulis nang mangyari ang insidente.

“Ito ay nangyari doon sa kanilang bahay habang pababa yung pulis, ibinababa yung gamit niya, including yung firearm. Aksidenteng nalaglag yung baril at naputukan yung bata,” ani Police Leiutenant Colonel Marlou Cudal, hepe ng San Jose Police Station.

Isang tama ng bala sa dibdib ang tinamo ng bata at hindi na umabot nang buhay sa ospital.

Sinubukan namang hingan ng pahayag ang pamilya pero nakiusap sila na hindi muna magbibigay ng komento, ayon sa ulat.

Samantala, kasalukuyang nasa kostudiya ng pulisya ang ama ng bata, at  iginiit na aksidente ang nangyari.

Nagbigay naman ng paalala si Cudal sa mga nagmamay-ari ng baril na maging maingat upang maiwasan ang accidental firing.

Source: GMA News

📷 GMA Amihanan

#GoPhilippines

RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Most Popular

Recent Comments