HomeNewsInternationalHumanoid robots na maaaring maging kasambahay, posible sa mga susunod na taon?...

Humanoid robots na maaaring maging kasambahay, posible sa mga susunod na taon?  

Plano umano ng billionaire at Tesla CEO na si  Elon Musk na gumawa ng maraming humanoid robots. Ang mga gagawin, kaya raw maging yaya, hardinero, caregiver, o factory workers.

Ang prototype ng naturang robot, tinawag niyang “Optimus”.

“Optimus is designed to be an extemely capable robot made in very high volume. Probably ultimately million of units and it’s expected to cost much less than a car,” ayon kay Musk.

Aminado naman si Musk na marami pang kailangang ayusin sa naturang robot. 

“There’s still a lot of work to be done to refine Optimus and prove it,” ayon kay Musk. “I think Optimus is going to be incredible in five or 10 years, like mind blowing.”

Upang makita naman ang response ng robot sa mga hindi inaasahang pangyayari, isasailalim sa mga test ang prototype.

Sa isang video, ipinakita ang experimental test robot na ginawa ng Tesla noong Pebrero na naglalakad, at gumawa ng mga simpleng gawain gaya ng pagdidilig, nagbuhat ng kahon at bakal.

PHOTO: Forbes

Ang Optimus ay inaasahang nasa 5.8 pulgada (1.73m) ang taas, humanoid ang hitsura, at 125lbs (57kg) ang timbang.

Magagawa nitong maglakad sa 5mph, hindi tumakbo, para madali kang makalayo dito. Ngunit magkakaroon ito ng mahusay na kapasidad sa pagdadala, magagawang deadlift ang 150lbs (68kg) at magdala ng 45lbs (20kg).

Ayon naman sa ulat ng Reuters, sinabing planong ibenta ang mga robot sa halagang hindi hihigit $20,000 o mahigit P1.1 milyon.

Sources: GMA News; Forbes

#GoPhilippines

RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Most Popular

Recent Comments