HomeLifestyleHealth + FitnessIlang gamot sa ubo para sa mga bata, kontaminado – FDA

Ilang gamot sa ubo para sa mga bata, kontaminado – FDA

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pag-inom o pagkonsumo ng apat na gamot na gawa sa India na naglalaman ng “harmful substances” na maaari umanong humantong sa kamatayan.

Sa inilabas na advisory ng FDA noong Oktubre 21, tinukoy ng FDA ang mga “substandard” na produkto bilang Promethazine Oral Solution BP, Kofexmalin Baby Cough Syrup, MaKOFF Baby Cough Syrup, at MaGrip n Cold Syrup na lahat ay gawa ng kumpanyang nakabase sa New Delhi na Maiden Pharmaceuticals Ltd.

Tinukoy ng ahensya ang isang lot number sa bawat isa sa apat na gamot, ngunit sinabing lahat ng batch ng mga produktong ito ay dapat ituring na hindi ligtas hanggang sa mapatunayan ng regulatory authorities.

Sinabi ng FDA na ang mga produkto ay naglalaman ng diethylene glycol at ethylene glycol na nakakalason sa tao kapag nainom.

Ipinaliwanag nito na ang mga contaminant na ito ay maaaring magdulot ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagtatae, kawalan ng kakayahan sa pag-ihi, pananakit ng ulo, pagbabago ng estado ng pag-iisip at talamak na pinsala sa bato na maaaring magresulta sa kamatayan.

Nakasaad rin sa advisory nito na ang mga gamot ay hindi nakarehistro sa ahensya at hindi pa ginagarantiyahan ng manufacturer ang kaligtasan at kalidad ng mga produkto nito sa WHO.

“It is important to detect and remove these products from circulation to prevent harm to patients,” ayon sa FDA.

Hinimok din FDA ang mga local government units na kumilos patungkol sa usapin.

Source: CNN Philippines; Pilipino Star Ngayon

📷 Checkup Newsroom

#GoPhilippines

RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Most Popular

Recent Comments