Hindi naging hadlang ang edad paar kay Lola Rose upang matupad ang pangarap na makatapos ng pag-aaral.
Sa edad na 67, nakapagtapos ito ng Junior High School sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS).
“Pumayag ako na pumasok sa Alternative Learning System (ALS) dahil puwede mag-aral dito kahit sinuman, walang pinipili,” ani Lola rose ayon sa Facebook post ni Sarah Jane Canalita Robrigado.

“Hindi nakakahiya magsimula at magsumikap kahit ikaw ay senior citizen na at may edad na. At pangarap ko na talaga noon pa man ang maipagpatuloy ang aking pag-aaral sa high school ang makatapos at makakuha ng diploma,” dagdag ni Lola.
Ayon pa sa kanya, ninais niyang pumasok sa ALS dahil maaari pa rin niyang magampanan ang pagiging ina at lola sa kanyang mga apo.
“Kahit wala nang tatanggap na trabaho sa edad ko, ang mahalaga po mas lumawak at madagdagan pa ang aking kaalaman. Maari ko itong ibahagi sa aking mga apo. Lalo na ako ang naga-aalaga sa kanila. Matuturuan ko sila kahit papaano sa kanilang pag-aaral,” ani Lola Rose.
Congratulations at saludo po kami sa inyo!

Source/Photos: Sarah Jane Canalita Robrigado
#GoPhilippines