Naghatid ng saya sa netizens ang litratong ibinahagi ni Maxy Louise Sumagui sa social media kung saan ang greetings sana sa inorder nitong cake, na-auto translate sa isang delivery app.
“Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako kay kuya rider ng foodpanda. “Happy Birthday Kevin D Great” dapat yan eh… auto translate pa foodpanda” caption ni sumagui.

Imbes na “Happy Birthday Kevin D Great”, “Maligayang kaarawan Kevin D Mahusay” ang nakalagay dito.
Komento ng isang netizen, “instant change apelyido” raw ang nangyari sa celebrant.
Source:Maxy Louise Sumagui via What’s your ulam pare? FB group
#GoPhilippines