Arestado ang dalawang lalaki matapos nakawan ang isang estudyante at umano’y halayin ang kasama nitong kaibigang babae sa Lumban, Laguna nitong Biyernes, Nobyembre 11.

Sa ulat ng pulisya, sinabi umano ng mga biktima na nasa tabi sila ng lawa sa Brgy. Caliraya, Lumban dakong alas-11 ng gabi, nang dumating ang mga suspek, tinutukan sila ng baril, at kinuha ang mga cellphones ng biktima.

Sapilitan sila umanong pinasakay sa isang traysikel at dinala sa magubat na bahagi ng Brgy. Lewin, kung saan sila sinaktan at ginahasa ang babaeng biktima.

Kinilala ang mga suspek na sina Danilo Barimbad Jr. at Joseph de los Reyes, na naaresto sa isinagawang follow-up operation nitong Sabado.

Nakuha mula sa mga suspek ang ninakaw na gamit, kabilang na rito ang baril na umano’y replika pala, gayundin ang pink underwear ng babaeng biktima.

Bukod rito, arestado rin ang live-in partners ng mga suspek matapos tangkaing pagtakpan ang pagkakadawit ng mga suspek sa krimen.

Kasalukuyan nang inihahanda ang kaso laban sa mga suspek.

Source: Danny Estacio/MANILA BULLETIN

Photo from RMN Networks

#GoPhilippines #GoLaguna #Laguna

Royal Air Ads

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here