Patay ang isang estudyante matapos maanod ng hindi inaasahang pagragasa ng malaking tubig sa Bukal Falls sa Majayjay, Laguna, Oktubre 13.

Alas-2 ng hapon nang magpunta ang apat na babae at tatlong lalaki sa nasabing talon upang maggawa umano ng kanilang school thesis, kung saan kinilala ang biktima na si Nathaniel Flores.

Pagtuntong ng alas-3 ng hapon, habang nasa ilalim mismo ng talon ang biktima at isang kasama na si Jhunel Singca, bigla umanong naitala ang malakas na pagragasa ng tubig sa talon.

Salaysay ng mga kasamang biktima, hindi nila inasahan ang paglaki at pagragasa ng tubig sa talon sapagkat hindi naman raw umano umuulan sa lugar nang sila ay magpunta.

Naanod ang dalawa at nawala si Flores. Nailigtas pa si Singca na nakaakyat sa bato, ngunit bigo nang madugtungan ang buhay ni Flores nang matagpuan ang katawan nito alas-6:20 ng gabi na wala ng buhay.

Source: Patrolya Probinsya

Screengrab photos from Lester Bojabe video

#GoPhilippines #GoLaguna #Majayjay

Royal Air Ads

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here