Home News Local Babae, patay matapos mabangga ng motorsiklo habang tumatawid

Babae, patay matapos mabangga ng motorsiklo habang tumatawid

0
40

Nasawi ang isang babae matapos umanong aksidenteng mabangga ng motorsiklo habang tumatawid sa kalsada ng Barangay Sto. Tomas, Luisiana, Laguna, Nobyembre 6.

Kinilala ang biktima na si Adelaida Martinez, 57-taong gulang, kung saan dakong alas-9 ng umaga naganap ang aksidenteng pagbangga ng motorsiklong lulan ni Chris Dave Laurente.

Mula rito, nagtamo ng sugat at fracture sa kaliwang bahagi ng binti si Martinez.

Nadala pa sa Luisina District Hospital ang biktima at nailipat sa Laguna Medical Center ngunit nasawi rin habang ginagamot.

Source: Delfin T. Mallari, Jr./INQUIRER.net

Photo from Philippine Star

#GoPhilippines #GoLaguna #Luisiana

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here