HomeLifestyleFood + DrinkTOP 5 LOCAL PRODUCTS TO TRY IN LAGUNA

TOP 5 LOCAL PRODUCTS TO TRY IN LAGUNA

252

1. ESPASOL
Kilala ang espasol bilang kakanin na mula sa lalawigan ng Laguna at taunang makikitang ipinagbebenta kapag Pasko. Gawa ito sa galapong na iniluluto sa gata at minatamis na niyog , kung saan binubudbudan ng tinustang galapong. Kalimitang mula ito sa bayan ng Los Banos, Liliw, Nagcarlan, Alaminos at Pagsanjan.
2. BUKO PIE
Gawa mula sa sariwang laman ng buko, kondesnadam at kadalasan na nilalagyan ng pampalasa na vanilla o pandan ang matamis at creamy na palaman ng pie. Kilalang-kilala ang bayan ng Los Banos sa nasabing minatamis na pagkaing ito.
3. KESONG PUTI
Ito naman ang ibinibida ng bayan ng Santa Cruz sa Laguna. Kalimitan kasi itong ginagawang palaman sa tinapay at masarap ituwang sa mainit na kape o tsokoloate tuwing tag-ulan o hindi kaya naman ay tuwing umaga.
4. URARO
Ang uraro ay ang masarap na cookies na gawa sa “Arrowroot flour” at minsan ay hinuhulma sa iba’t-ibang hugis o hindi kaya naman ay nakabalot sa papel. Kadalasan itong makikita sa Laguna, maging sa Quezon at probinsiya ng Marinduque.
5. BIBINGKA
Sino ba naman ang hindi makakaalam sa pagkaing ito? Ang bibingka ang isa sa mga pagkaing inaabangan tuwing sasapit na ang Pasko. Hango ito sa galapong, coca butter, margarine, at asukal. Kadalasan ay makikita ito sa bayan ng Pagsanjan malapit sa plaza.

RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Most Popular

Recent Comments