Hindi na nadugtungan ang buhay ng isang 47-taong gulang na lalaki nang ma-comatose matapos sumailalim sa initiation rites ng isang grupo sa Imus, Cavite.

Sa videong nakalap ng GMA News, makikita ang mga huling oras ng biktima na kinilalang si Glen Albert Binoya, kung saan halos kinakapos na ito sa paghinga habang sinusunod o nagsasagawa ng initiation rites.

Kabilang sa aktibidad na ipinagawa sa biktima ang pagkain ng sili at iba pang physical activities sa gitna ng sikat ng araw.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Anti Hazing Law ang itinuturing na 17 opisyales at miyembro ng grupong Cavite Samaritans Eagles Club.

Source: GMA News
Photo from PHILSTAR

#GoPhilippines #GoCavite #Imus

Author

Royal Air Ads

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here