Free WiFi For All Program ng DICT, inilunsad sa ilang Unibersidad sa Cavite

Pinangunahan ng Cavite State University (CvSU) sa bayan ng Indang, ang ceremonial launching ng "Free WIFI for All" (FW4A) program ng Department of Information and Communication Technology (DICT) para sa apat na state universities at dalawang lokal na kolehiyo sa lalawigan ng Cavite.

0
233

Pinangunahan ng Cavite State University (CvSU) sa bayan ng Indang, ang ceremonial launching ng “Free WIFI for All” (FW4A) program ng Department of Information and Communication Technology (DICT) para sa apat na state universities at dalawang lokal na kolehiyo sa lalawigan ng Cavite.

Kasama sa naturang aktibidad si DICT Secretary Ivan John Uy na tumayong panauhing pandangal at tagapagsalita ng programa. Ginanap ito sa CvSU International Convention Center ang noong Setyembre 14, 2022.

Ang programang FW4A ay itinataguyod ng DICT Regional Office 4-A. Ito rin ang mamamahala sa mga serbisyo ng WIFI para sa mga nabanggit na unibersidad at kolehiyo na pangangasiwaan ni DICT Regional Director for Regions 4-A and 4-B Director Cheryl Ortega.

Kabilang sa mga institusyong kasali sa programa ay ang Cavite State University na may 11 kampus; Eulogio Amang Rodiguez Institute of Science and Technology (EARIST)-Cavite Campus; Polytechnic University of the Philippines (PUP)-Maragondon at Alfonso Campus; Technological University of the Philippines (TU)-Cavite Campus; City College of Tagaytay; at Trece Martires City College.

Isang ceremonial switch-on ang isinagawa ng DICT at mga opisyal ng mga nasabing paaralan kasunod ang mensahe ng pagtanggap ay ibinigay ng mga executive at Turnover of Certificates mula sa DICT.

Author

Royal Air Ads

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here