Itinanghal bilang 1st runner-up ang Tanauan City Baseball Team sa idinadaos na Muntinlupa Baseball Softball Classic 2022 Coach Pitch Division kontra ENTOM Baseball team, 15-17.
Ginanap ito sa Ayala Alabang Country Club kamakailan, na inantabayanan nitong nakaraang linggo matapos magwagi ng Tanauan City Baseball Team sa Minor Division at maging kwalipikado sa Championship game.

“Ang pamahalaang Lungsod ng Tanauan ay taos-pusong bumabati para sa inyong ipinamalas na husay at dedikasyon sa larangan ng baseball!” pagbati ng City Government of Tanauan.
Source/Photos: City Government of Tanauan/FACEBOOK
#GoPhilippines #GoBatangas #Tanauan