Home News Local P7K halaga ng umano’y shabu, baril, nakumpiska sa Nasugbu

P7K halaga ng umano’y shabu, baril, nakumpiska sa Nasugbu

0
50

Arestado ang dawalang drug personalities sa Nasugbu, Batangas, nang makuhanan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P7, 000 at isang baril, Nobyembre 9.

Dakong 7:55 ng gabi nang madakip ng kapulisan sa Barangay 6 ang dalawang indibidwal na sina Crisanto Sumanguid at Jeffrey Tenorio matapos umanong magbenta ng hinihinalang shabu sa isang undercover police.

Sa ulat, armado ng .38-caliber revolver na may lamang limang bala si Sumanguid. Nasamsam ito kasama na ng dalawang pakete ng hinihinalang shabu.

Kakaharap sa kasong RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawa habang nakahain ang karagdagan pang kaso kay Sumanguid dahil sa iligal na pagdadala ng armas.

Source: Delfin T. Mallari, Jr./INQUIRER.net

Photo from RMN Networks

#GoPhilippines #GoBatangas #Nasugbu

Author

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here