Home News Local Operator ng sabungan, patay matapos tambangan sa Tanauan

Operator ng sabungan, patay matapos tambangan sa Tanauan

0
48

Nasawi ang isang operator ng sabungan sa Tanauan City, Batangas matapos umanong pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Alas-8 ng gabi nang umalis sa sabungan ang kinilalang biktima na si Joselito de Chavez, kung saan nang nasa 300 metro pa lamang nakakalayo ay pinagbabaril ito ng mga salarin batay sa ulat ng pulisya.

Sa ulat ng GMA Regional TV “Balitang Southern Tagalog”, ibinahagi ng anak ng biktima na wala umano siyang alam o nababalitaang nakagalit ng kaniyang ama dahil matulungin aniya ito sa mga lumalapit sa kanya.

Kasalukyang hinahanap ng mga awtoridad kung mayroong CCTV sa lugar na pinangyarihan para sa imbestigasyon.

Tinututukan na rin ang posibleng anggulo o motibo sa naganap na pamamaril.

Source: GMA News

Photo from RMN Networks

#GoPhilippines #GoBatangas #Batangas

Author

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here