Nasawi ang isang Kapitan sa Barangay District 3, Lemery, Batangas, matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin na sakay ng motorsiklo, Nobyembre 22.

Kinilala ang 59-taong gulang na Kapitan na si Enrico Renwick Razon, ayon sa ulat ng kapulisan.

Bumabiyahe ang Kapitan kasama ang tatlo pang kasamahan na sakay ng Toyota Fortuner nang pagbabarilin umano ng mga salaring sakay naman ng motorsiklo.

Tinamaan ang Kapitan sa kanyang likod, na kanyang ikinasawi habang sinusubukang isugod sa pagamutan.

Nakatakas naman ang mga salarin at kasalukuyan pang tinutukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga ito.

Source: Delfin T. Mallari, Jr./INQUIRER.net

Photo from RMN Networks

#GoPhilippines #GoBatangas #Lemery

Author

Royal Air Ads

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here