Nagbababa lamang ng paninda ang isang Barangay Chairman sa Lipa City, Batangas nang aktong barilin ng mga salarin na lulan ng isang kotse nitong Lunes.
Kita sa CCTV na napadaan ang naturang kotse na siyang tumigil sa harapan ng biktima na kinilalang si Vivencio Palo habang nagbababa siya ng paninda mula sa pickup.
Mula sa pamamaril, nalaglag ang biktima mula sa pickup at nagawa pang madala sa ospital.
Bigo nang madugtungan ang buhay ni Palo at binawian rin ng buhay.
Nakatakas naman ang mga taong nasa likod ng nasabing pamamaril.
Source from GMA News
Photo from RMN Networks
#GoPhilippines #GoBatangas #LipaCity