Padaong na sana ang isang Roll-on/Roll-off (RoRo) vessel nang aksidente umanong makabanggaan ang isang bangka sa Batangas City nitong hapon ng Linggo, Nobyembre 20.

Sa ulat ng GMA News, sumalpok ang MV Stella Del Mar sa bangkang may lulan na tatlong mangingisda, kung saan naitala ang insidente 500-metro ang layo mula sa dalampasigan ng Barangay Pagkilatan.

Dagdag pa rito, galing umano sa Calapan, Oriental Mindoro ang nasabing RoRo na padaong sana sa Batangas Port.

Nailigtas naman ang mga mangingisda at siniguro ng pamunuan ng RoRo vessel na sasagutin anila ang gastos sa pagpapagamot ng mga naapektuhang mangingisda.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ukol rito.

Source: GMA News

Screengrab photo from Coast Guard Station Batangas’ video

#GoPhilippines #GoBatangas #Batangas

Author

Royal Air Ads

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here