Isang 24-taong gulang na babae na noo’y naglalaba lamang sa ilog ang pinagsamantalahan umano ng 18-taong gulang na lalaki sa Tanauan City, Batangas.
Kinilala ang suspek na si Jeffrey Olequino, kung saan naiulat na naganap ang krimen sa San Juan River sa Barangay Tres.
Sa ulat ng pulisya, madalas umanong nakikita ng suspek ang biktima na nag-iisa sa lugar, kung saan sinubukan pa umano ng biktima na sumigaw upang humingi ng tulong ngunit pilit inilulublob ng suspek ang umano’y mukha nito sa tubig batay sa asawa ng biktima.
Nakatakas pa ang biktima nang mapigtas ang tsinelas ng suspek at nagawang maitulak. Mabilis siyang nakatakbo sa kanilang tahanan at nakapagsumbong sa kanyang kapatid.
Nadakip naman ang suspek, ngunit bigo itong magpahatid ng pahayag ukol sa naturang krimen, gayundin ang biktima at ang asawa nito.
Source/Photo: GMA News
#GoPhilippines #GoBatangas #Tanauan City