Home News Local Babaeng call center agent, patay sa pamamaril sa San Juan

Babaeng call center agent, patay sa pamamaril sa San Juan

0
50

Patay ang isang babaeng call center agent nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang gunman sa isang birthday party sa Brgy. Palahanan, San Juan, Batangas, Nobyembre 13.

Kinilala ang call center agent na si Lina Lourdes Quitain, na dumalo sa nasabing event dakong 2:50 ng hapon, nang pagbabarilin siya ng isang armadong lalaki ng tatlong beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isinugod pa sa pagamutan si Quitain, ngunit idineklara nang dead on arrival, habang nakatakas naman ang salarin batay sa mga awtoridad.

Samantala, kasalukuyan pang inaaalam ang pagkakakilanlan ng gunman, gayundin ang motibo ng pagpaslang sa biktima.

Source: Delfin T. Mallari, Jr./INQUIRER.net

Photo from RMN Networks

#GoPhilippines #GoBatangas #SanJuan

Author

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here