Nauwi sa pamamaril ang simpleng asaran patungkol sa lugaw sa San Juan, Batangas, kung saan isa ang naitalang nagtamo ng sugat.


Kinilala ang biktima na si Mark Joshua Razon, 26-taong gulang, na sinugod umano ng itinuturing na suspek nai Roderick Hernandez sa isang resto bar kung saan naganap ang insidente.


Batay sa mga awtoridad, nagkaroon ng komosyon ang biktima at ang misis ng suspek, kung saan sinasabing naghahanap umano ng lugaw hanggang sa nagsimula na ang asaran.


Nang masabihan ng isa na mukha raw umano itong lugaw, tinawagan ng babae ang kaniyang mister na suspek na sumugod dala ang baril. Nakita rin ang pagbaril ng suspek sa biktima na tinamaan sa braso at likod.


Matapos nito, umalis rin ang babae kasama ang kaniyang mister at iba pa nitong kasama samantalang isinugod naman sa pagamutan ang biktima at kasalukuyang nagpapagaling.


Kasalukuyan na ring pinaghahahanap ang suspek.


Source: GMA News
Photo from RMN Networks

#GoPhilippines #GoBatangas #Batangas

Author

Royal Air Ads

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here