Patay ang dalawang (2) trabahador sa Barangay Nonong Castro, Lemery, Batangas, nang aksidenteng makatapak ng live wire habang naglilinis ng palaisdaan, Nobyembre 7.

Lunes ng hapon nang maganap ang insidente, kung saan natapakan ng dalawa ang live wire ng submersible pump sa nasabing palaisdaan.

Kinilala ang mga biktima na sina Mark Anthony Bethel, 22-taong gulang, at si Renante Batchar, 41-taong gulang, batay sa ulat ng kapulisan.

Nadala pa sa pagamutan sa Batangas Provincial Hospital ang dalawa ngunit inanunsyo na ring dead on arrival. Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ukol rito.

Source: Danny Estacio/BALITA.net.ph

Photo from iStock

#GoPhilippines #GoBatangas #Lemery

Author

Royal Air Ads

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here