Pinakamoderno at makabagong aklatan, ipinasilip sa Batangas City, kung saan ninanais na makapaghandog ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral at mahikayat ang mga mamamayan na magtungo’t tangkilikin ang paggamit ng aklatan, Oktubre 3.

Naisagawa na ang blessing ng apat na palapag na gusali ng City Library at Information Center kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor Beverly Dimacuha at Cong. Marvey Mariño.

Mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pondo ng konstruksyon ng nasabing gusali alinsunod sa pakikipag-ugnayan ni Cong. Mariño habang mula naman sa LGU ang mga gamit na nilalaman nito.

Tinatayang 42 computer sets ang inaasahang magamit rito kasama na ang internet connection, kung saan maghahandog rin ng computer tutorials sa mga senior citizens at library tour para sa mga estudyanteng magmumula sa malalayong lugar.

Bukod sa modernong teknolohiya, naka-destino rin sa bawat palapag ang iba’t ibang seksyon para sa mga bibistang mga bata, estudyante, at researchers. Bukas ito mula Lunes hanggang Biyernes, 8 AM hanggang 5 PM ng hapon. Kinakailangan lamang mag-sign in upang makapasok at mabigyan ng Library ID.
Source/Photos: Palakat Batangas City/FACEBOOK
#GoPhilippines #GoBatangas #BatangasCity