Sa murang edad, hilig na ng batang si Jef Noah B. Soliman mula Tanauan, Batangas, ang mga asignatura na gaya ng Math, Science, Arts, History, Geography, at Coding, na nag-ugat sa kaniyang mga pandaigdigang parangal.

Sa edad pa lamang noong 1-taong-gulang, sinabi ng kaniyang Mommy Sugar, na kaya na nitong magbilang ng 1 to 100, mag-solve ng basic math operations, at kabisado na rin nito ang 2D at 3D shapes.

Batay sa PH Mental Health Association, pagtuntong ng 5-taong gulang ay nagawa na ni Noah na manaig laban sa 8-taong gulang nitong katunggali.

Mula sa Barangay Sambat ang batang Math wizard, kung saan kamakailang kinilala ng lokal na pamahalaan dahil sa ipinamalas nitong husay sa larangan ng Matematika hindi lamang sa bansa, kundi maging sa International competitions.

Ilan sa naiuwing karangalan ni Noah ang Gold Award sa Hong Kong International Mathematical Olympiad 2022 (Heat round), Silver awards mula sa Guangdong-Hong Kong Macau Greater Bay Area International Mathematical Olympiad 2022 (Final round), at PH International Mathematical Olympiad 2022 (Heat round).

Mula sa pagpupunyagi at suporta ng bayan, ninanais ni Noah na maisakatuparan ang kaniyang pangarap na maging Astronaut o kaya naman ay isang Game Developer pagdating ng panahon.

Source/Photos: City Government of Tanauan/FACEBOOK

#GoPhilippines #GoBatangas #Tanauan

Author

Royal Air Ads

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here