Home Entertainment El Gamma Penumbra, wagi bilang World Class Performer of the Year

El Gamma Penumbra, wagi bilang World Class Performer of the Year

0
65

Kinilala ang Tanauan City’s Pride El Gamma Penumbra bilang World Class Performer of the Year sa 2nd Diamond Excellence Awards 2022 sa Okada, Manila nitong Setyembre 27.

Nanguna at nakuha ng all male shadow play group ang titulo matapos makipagtagisan ng galing laban sa iba pang talentadong mga Pinoy sa kanilang piling larangan.

Kaugnay nito, taos-pusong binabati ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ang grupo sa patuloy na tagumpay na nakamit sa larangan ng sining at pagtatanghal, hindi lang sa bansa kundi pati na rin sa buong mundo.

Matatandaang nakilala rin ang grupo matapos maiuwi ang kampeonato bilang Asia’s Got Talent Season 1 Champion taong 2015.

Source: City Government of Tanauan/FACEBOOK

Photo from The Diamond Excellence Awards (Facebook)

#GoPhilippines #GoBatangas #Batangas

Author

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here